PARA SA KALUSUGAN AT KAPANTAYAN: RH Bill Isabatas na
Sa paglalayong makatugon sa pangangailangan at interes ng masang Pilipino, at sa paglalayong magkaroon ang bawat Pilipino ng pagkakataon sa isang malusog at marangal na buhay, ang UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino (UP Buklod-Isip) ay naninindigan at sumusuporta sa pagsasabatas ng Reproductive Health Bill.