ANO ANG SIKOLOHIYANG FILIPINO
Anonymous
Ang Sikolohiyang Pilipino o SP ay isang sikolohiyang sumasalamin sa karanasan, kaisipan at oryentasyong Pilipino :)
Alam nating karamihan ng mga konsepto at metodo sa sikolohiya ay binuo sa mga bansa sa kanluran kung kaya’y may pangangailangan na suriin ang kaangkupan ng mga ito sa pag-aaral ng mga Pilipino. May pangangailangan din upang bumuo ng mga sarili nating konsepto at metodo sa sikolohiya. Ang mga pangangailangang ito ang tinutugunan ng Sikolohiyang Pilipino :)