February 2012
3 posts
Mgatanong
Ako’y gulong-gulo at nalilito Di ko malaman paano ako hihinto Pagod na sa pakikiramdam at pagtatanong-tanong Ano ba ang iyong gusto, sino ba laman ng iyong puso?   Daig ko pa ang diksyunaryo sa mga depinisyon Na aking binibigay sa iyong mga aksyon Bawat tingin at galaw na ginagawa mo Sa aki’y mga pahiwatig na pinag-iisipan ko   Ngunit sawa na sa kilig na bunga ng imahinasyon Ayaw na sa pahiwatig...
Feb 19th
1 note
“Kaliwa, kanan, kaliwa, kanan.”
Hindi pa man sumisilip ang haring araw, dilat na ang mga mata ko. Umaga pa lang ay gising na ako, kahit labag sa kalooban ng aking katawan. Oo, labag, hindi dahil sa hindi ko gusto ang pumasok sa kursong iyon ngunit ayokong pumasok ng ganoong kaagang oras. Nagpapawis, tumatakbo, nagbabanat ng buto. Sabay-sabay ang pagpadyak at paghakbang. Ang mga paa’y nagkakasundo, nangangarera sa iisang...
Feb 11th
4 notes
Magkaibigan o Magka-ibigan?
Ilang buwan na nga ba ang nakalipas mula noong nagsimula tayong mapalapit sa isa’t isa? Anim? Pito? Hindi ko na tanda. Mas naaalala ko pa ang mapuputi mong ngipin at ang malalalim mong dimples na lumilitaw sa tuwing ikaw ay ngingiti. Sariwa pa sa aking alaala ang iyong bawat pagtawa sa aking mga biro na marahil ay tinatawanan mo lang dahil nahihiya kang sabihing korni ako. Paulit-ulit pa ring...
Feb 2nd
1 note
January 2012
3 posts
Bakit Buklod?
Bakit Buklod? Hindi ko talaga masabi kung ano ba ang pumasok sa isip ko at naisipan kong mag-sign up bilang aplikante sa Buklod Isip. Ito marahil ay isa sa mga bagay na hindi ko pinag-isipan nang masinsinan ngunit napakaganda naman ang idinulot sa akin; para bang nakasulat na sa aking mga palad na makagagawa ako ng ganitong kahibangan. Noong freshie kasi ako, desidido na akong magtatapos ako ng...
Jan 17th
21 notes
Ang Daluyan: Christmas Issue
http://issuu.com/daluyan/docs/daluyan_christmas_issue_-_ol
Jan 9th
Ang Daluyan: Sem-Ender Issue
http://issuu.com/daluyan/docs/daluyan_sem_ender_issue_1_ay_11-12
Jan 9th
December 2011
5 posts
Boom! HIT! Horey!
Boom! HIT! Horey! Tara na! Magsaya’t mag-ingay! Konti nalang! Bagong Taon Na! Pero share ko lang. Alam mo bang hindi pa ako nakakahawak ng paputok sa buong buhay ko? Lusis nakahawak na’ko, pero fountain? Kwitis? Triangle? Nung bata nga ako takot na takot akong lumabas kung may mga paputok, kahit manonood lang. Baka kasi may mag-landing pang paputok na hindi pa tapos masunog! Matamaan...
Dec 31st
3 notes
KUNG AKO SI JOSE MARI CHAN
Ang hirap pumili ng isusulat Noong isang araw, may kausap akong kaibigan (itago natin siya sa pangalang Vambolina). Tinanong ko siya kung ano bang keri na isulat bilang blog entry sa panahon ng Pasko. Sa totoo lang, kahit sa personal kong blog, hindi ako mahilig magsulat tungkol sa Pasko kasi sa tingin ko anumang maisusulat ko, naisulat na dati – at paulit-ulit pa. Sadyang ganon ang halaga at...
Dec 27th
2 notes
Sa musika, SP meron ba?
Musika, aking natuklasang mag-isa. Sa murang edad, hindi sumagi sa isip ko na matutong tumugtog o kumanta. Ngunit sa paglipas ng panahon, tuwing makaririnig ng mga awitin, hindi ko mapigilian ang kilgin at mamangha. Nagkaroon ako ng pakiramdam na mas mainam siguro kung ako mismo ang makagagawa ng mga tono na aking naririnig. Naglakas loob akong subukan ito. Malaking papel ang ginampanan ng aming...
Dec 20th
7 notes
Ang Santa Claus Ng Buhay Ko
Noong bata pa ako, naniniwala ako kay Santa. Tuwing darating ang buwan ng Disyembre, nagsasabit ako ng medyas sa may bintana namin para madaling makita ni Santa ‘pagdaan n’ya. Wala naman kaming chimney kaya sa bintana na lang, hindi pa s’ya mahihirapan! Maaga akong natutulog palagi para makadaan na agad si Santa, baka kasi mapuyat s’ya sa pag-ikot sa buong mundo. Walang palya, palaging may laman...
Dec 11th
4 notes
Ang SP at ang Buhay Freshie
Naglalakad ka patungong Palma Hall – ay, hindi pala Palma Hall ang tawag doon, Ayan, lalo ka tuloy napagkamalang freshie. Nagmamadali ka, patakbo-takbo pa kahit mistulang wa-epek naman. E, ‘di ba hindi naman mahirap lumakbay papuntang AS mula CHK sa loob ng labing-limang minutong grace period (na minsa’y hindi rin naman sinusunod ng propesor niyo)? Hindi. Kasi naman, intindihin mo ang...
Dec 2nd
November 2011
1 post
Ang Kahulugan (na)ng Pagkabata
“Uwaaaa…  uwaaaa…” ang siyang bukambibig ng bawat sanggol sa mga unang segundo ng pagkamulat nila sa ating mundo.  Iisang tinig na humihingi ng pag-unawa.  Iisang wikang nauunawaan ng madla. Ngunit tuwing bibigyang tugon… “Shhhh….” …iba’t ibang boses, iba’t ibang salita ang maririnig… “Kaluguran cung anak.” “Palangga ko nga unga.” “Gihigugma nakong anak.” “Mahal kong anak.” …iisa man ang...
Nov 30th
2 notes
September 2011
2 posts
Ang Daluyan: 30th Anniv Issue →
Sep 5th
1 note
Sep 5th
10 notes
August 2011
2 posts
Tugon at pag-aanalisa ukol sa artikulong “History...
Bago basahin ang entry, basahin muna ang artikulong ito. Nitong nakaraang bakasyon, habang wala akong ginagawa ay may isa akong artikulo na nabasa mula sa antipinoy.com patungkol sa kung bakit paulit-ulit lang ang nangyayari sa kasaysayan ng ating bansa, lalo na sa aspetong politikal at ekonomikal. Sa umpisa ay maganda ang pahayag ng nagsulat ng paksa dahil sinimulan niya ito gamit ang isang...
Aug 7th
11 notes
2 tags
Aug 7th
July 2011
1 post
SP at Neuroscience
Bilang mga mag-aaral ng sikolohiyang Pilipino, mayroon tayong konsepto ng isang ‘kaisipang Pilipino’. (Alam na alam na siguro natin ngayon na ang SP ay isang sikolohiyang bunga ng kaisipan, karanasan, at oryentasyong Pilipino.) At dahil fan rin ako ng biopsych, hindi ko maiwasang isipin na baka nakaugat ang konseptong ito sa hypotetikal na natatanging istruktura ng ating utak - ang...
Jul 17th
4 notes
June 2011
3 posts
3 tags
Jun 20th
4 notes
Anonymous asked: ANO ANG SIKOLOHIYANG FILIPINO
Jun 20th
2 notes
SP sa Internship
Sa aking pagkuha ng Psychology 199 (Internship) ngayong summer, naranasan kong makihalubilo sa iba’t ibang tao sa St. Luke’s Medical Center, Quezon City. Naitakda akong maging trainee sa Corporate Training Section ng Human Resources Division ng kompanya. Pokus naming mabigyan ng sapat na kaalaman at pagsasanay ang bawat empleyado nang sa gayo’y makapagtrabaho sila nang mahusay at makapaglingkod...
Jun 4th
May 2011
4 posts
Tibay mo ‘Teh
Sinuri namin ang isang teksto para sa PanPil 19. Ang teksto na ito ay halaw sa Epiko ng Hinalawod. Ang pamagat nito ay Humadapnon: Ang Paghahanap kay Nagmalitung Yawa. Nagtataglay ang teksto ng ilang tipikal na katangian na makikita sa isang epiko. (May matipunong bida na naglalakbay at nagkaroon ng malulupit na adventure. Lahat ng iyon ay ginagawa niya para mapuntahan ang isang magandang dilag...
May 29th
6 notes
Hindi ka Hiwalay sa Kanila
Malimit mo siyang makita sa daan Bitbit ang isang sanggol Hawak ang isang lata Nanlilimos para sa iyong barya Nakasabay mo siya sa tren Nakapostura, nakakurbata Dama mo ang kanyang kaba Hangad niyang magkatrabaho na Sa hapag kainan ay hain mo Ang kanyang pinaghirapan Sa ilalim ng mainit na araw Sa lupang sinasakang hindi kanya Habang ika’y nahihimbing sa pagtulog Nagsisimula pa lang...
May 20th
Mukha ng Masa sa Rally
Hindi lahat ng tao iisa ang pakay sa isang rally. Madalas kasi pag iniisip natin ang rally, feeling natin lahat ng tao roon ay pare-pareho ang iniisip. Pero hindi. Totoo, may ilang mga bagay silang pare-parehong pinagtutuunan ng pansin (kanina, yung pagpapalakas ng mga karapatan ng manggagawa syempre) pero bawat grupo ay may kani-kanyang dahilan ng pagtuon ng pansin sa isyung iyon, at may...
May 11th
“Corruption in the end is selfishness, an inability to see beyond oneself or...”
– Conrado de Quiros
May 5th
March 2011
1 post
SP: Swak sa People!
Noong nakaraang sembreak lang ay nagkausap kami ni Warden, isang ‘Kanong pastor na madalas nagpri-preach sa munting komunidad namin sa La Union. Psychologist pala siya dati. Nahalina sa ganda ng Pilipina at nagpasyang magpakasal at manirahan sa Pinas. Isa sa mga napag-usapan namin ay ang patuloy na pagiging di-abot kaya ng psychology sa mga karaniwang tao. Going to your shrink? That’s cool! ang...
Mar 2nd
7 notes
January 2011
2 posts
Ang Sikolohiyang Pilipino ay Parang Adobo . . .
Kanina, fish fillet with tofu and black beans. Para sa panghimagas naman, froyo. Apple cinnamon, choco mallows, berry at choco syrup yung toppings. Kahapon naman, phat thai, gai thaawt at bpuu khaao ang hapunang pinagsaluhan namin ng aking nakatatandang kapatid sa paborito naming Thai restaurant. Sa loob ng isang buwan, sigurado akong lalabas kaming mag-anak upang kumain naman ng lutong...
Jan 22nd
7 notes
Bagong-tagpong Pag-ibig - SP sa Punto de Bista ng...
Ang SP ay parang Pers Lab 1. Sa unang mga araw at linggo iyo siyang kikilatisin. Magtatanung-tanong sa mga nakakakilala na sa kanya. 2. Magugulat sa dami ng ideyolohiyang pareho ninyong nais pangatawanan at itaguyod. O para mas simple ay parang nagkakaintindihan kayo. 3. Mararamdamang parang “Oo nga, ito na nga yung hinahanap ko.”  4. Mas kikilalanin pa. 5. Magkakaroon ng...
Jan 9th
9 notes
December 2010
4 posts
Hanggang sa pagreregalo, ang SP, panalo! →
Isang artikulo mula sa Philippine Daily Inquirer tungkol sa lawak ng impluwensiyang naaabot ng Sikolohiyang Pilipino. Mabuhay ang sikolohiyang makahulugan at makabuluhan!
Dec 29th
1 tag
Dec 8th
1 tag
My Like Muni-Muni
just because my car is maganda and i have my yaya and manong driver lagi it’s not like i don’t like know how to ride a jeep or make para when i ride a bus ‘di ba why are you always making me lait? just because my clothes are laging bago and like they’re always from mango and zara doesn’t mean like i got them at trinoma or rockwell or greenbelt hello this is like ukay...
Dec 8th
Pambungad
Kaibigan!  Salamat sa pagdaan sa munting blog na ito ng UP Bukluran sa Sikolohiyang Pilipino kung saan maaaring magbahagi ng mga pag-aaral, saloobin at muni-muni tungkol sa ating pinakamamahal na disiplina.  Inaanyayahan namin kayong sumali sa diskusyon, mag-comment, mag-like (nasa Facebook feeds din ito) at mag-mungkahi nang bongga, kung iyon ang trip niyo.  Nawa’y maging mayaman ang palitan...
Dec 8th